Ang namulat ay hindi na muling pipikit
Pilipinas, oh inang bayan
Patawad at kami ay nabigo.
Gayun pa man, kami ay hindi susuko.
Magmamasid at patuloy na makikialam.
Patuloy na lalaban para sa kinabukasan.
Patawad at kami ay nabigo.
Gayun pa man, kami ay hindi susuko.
Magmamasid at patuloy na makikialam.
Patuloy na lalaban para sa kinabukasan.
Susuporta sa tamang adhikain
Tutuligsa sa maling gawain.
Magmamasid at makikialam!
Sambayanan ang nagdikta sa iyong kinabukasan.
Mali man o tama, dapat na ito ay igalang.
Hayaang kasaysayan ang magbigay kapaliwanagan,
At naway pinili nitong lipi ang tamang daan.
Gayun pa man, kami’y di titigil,
Magmamasid! Makikialam!
Pagkat walang katapusan itong laban
Para sa bukas na ikaw ay puno ng kaluwalhatian,
Sa bukas na hindi lulong sa pangakong napapako,
Kundi sa pagbabagong umaagos saan mang dako.
Laging kami magmamasid, makikialam!
Laging kami magmamasid, makikialam!
Sana nga’y ang namulat ay hindi na muling pipikit.
Na ang alab sa puso’y patuloy na sisidhi
At ang diwa ng yaring isip ay patuloy na gigising,
Hindi maiidlip, di matutulog, di mahihimbing.